PATAY | Lalaki – nasawi habang nasa kalagitnaan ng pila sa LTO office sa Laguna

Laguna – Gutom at matagal na oras sa pagpila ang hinihinalang dahilan ng pagkamatay ng isang lalaki sa tanggapan ng Land Transportation Office sa pila, Laguna.

Sa ulat – bigla na lang hinimatay ang hindi pinangalanang biktima habang nakapila sa lto.

Inaalam pa kung may sakit sa puso ang biktima dahil malabo naman daw na init ang ikinamatay nito dahil airconditioned ang opisina.


Sinibukan pang I-CPR ang lalaki saka isinugod sa ospital.

Wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng nasabing LTO branch sa nangyaring insidente.

Facebook Comments