PATAY | Lalaki, sawi sa pamamaril sa Caloocan City

Caloocan City – Patay ang isang lalaki matapos pagbabariling ng mga di pa nakikilalang mga suspek sa Barangay 143 Bagong Barrio sa Caloocan City.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Raymark Aquino, 33 anyos, residente ng Barangay 141 sa nasabing lungsod matapos magtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan Police, nakikipag-inuman lang ang biktima sa bahagi ng proverbs at Balagtas Street nang barilin ito ng mga suspek pasado alas-9 ng gabi.


Kwento ng isa sa mga kaanak ng biktima, nag-co-computer lang ito nang bigla itong umalis at pumunta sa inuman.

Tinitingnan din sa motibo na posibleng nagkaroon pa ng komosyon dahil sa mga sirang mga upuan.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na mga suspek.

Facebook Comments