PATAY MALISYA | Cristine Reyes – dedma sa isyung hiwalay na sila ng asawang si Ali Khatibi

“Dedma”

Ito ang maikling sagot ng sexy-actress na si Cristine Reyes sa bali-balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Ali Khatibi.

Nagsimulang pumutok ang isyu nang mag-post si Cristine sa kanyang Instagram kung saan ipinapanalangin nito sa panginoon na gabayan ang kanyang marriage life.


Sinundan pa ito ng pag-unfollow niya kay ali pero nag-follow ulit siya nang dumugin na siya tanong tungkol dito.

Pero sa isang interview sinabi ng aktres na nakuha lang niya ‘yun sa pinterest kaya hindi niya alam kung bakit naging big deal ‘yun sa netizens.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin direktang sinasagot ng aktres kung ano na nga ba ang real status ng kanilang relasyon.

Facebook Comments