PATAY NA BAGONG SILANG NA SANGGOL, NATAGPUAN SA ISANG SAKO SA BAYAN NG LINGAYEN

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa pagkakakilanlan ng magulang ng natagpuang patay na bagong silang na sanggol sa bayan ng Lingayen.
Napansin umano ng mga residente sa bahagi ng Brgy. Poblacion ang isang sako kung saan ay may sumisingaw na hindi magandang amoy pasado alas-dos ng hapon.
Nang silipin ay tumambad sa mga ito ang isang bagong silang na lalaking sanggol na nakabalot ng mga damit at kasama pa nito ang umbilical cord nito at placenta.

Dinala pa ng mga kapulisan sa pagamutan ito subalit idineklarang dead on arrival ng doktor. |ifmnews
Facebook Comments