Antipolo – Patay ang isang preso matapos pagtulungang bugbugin ng mga kapwa preso sa Antipolo City Jail.
Ayon sa Antipolo PNP – Nanghingi ng tulong sa kanyang kapwa preso ang biktimang si Margine Sanchez dahil nahihirapan siyang huminga.
Agad naman siyang dinala sa Rizal Provincial annex pero hindi na umabot nang buhay.
Nang suriin ang katawan ni Sanchez, napag-alaman na ang hirap sa paghinga ng biktima at resulta ng pambubugbog sa kanya nina Jimmy Apable, Rodelio Alcuriza at Daniel Sallan.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang nasabing insidente.
Facebook Comments