PATAY | Pulis, pinagbabaril sa Batangas

Batangas – Patay ang isang police officer matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. District 6, Balayan, Batangas.

Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office alas-7:05 ng gabi kagabi ng mangyari ng ang pamamaril.

Kinilala ang biktima na si SPO1 Roderick Botavara nakatalaga sa Balayan municipal police station.


Galing ang biktima mula sa family gathering sa Malabanan resort at pabalik na sana sa police station nang pagbabarilin ito ng suspek na naka-jacket ng itim at nakasakay ng motorsiklo.

Naisugod pa ang biktima sa medical center sa Western Batangas, Brgy Lanatan, Balayan Batangas pero idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments