Patay sa 7.1 magnitude na lindol sa Mexico, umabot na sa 149

World – Pumalo na sa isang daan at apatnaput siyam (149) ang patay sa pagtama ng magnitude 7.1 na lindol ang Central Mexico.

Puspusan ang pagliligtas ng mga rescuer sa mga natabunan mula sa mga gumuhong gusali, partikular sa mga lugar na lubhang tinamaan ng pagyanig tulad ng Morelos, Puebla at Mexico City.

Isang oras bago ang lindol, nagkaroon pa ng earthquake drill ang mga tao bilang paggunita ng ika-32 taon anibersaryo ng magnitude 8 na lindol noong 1985 kung saan 9,500 katao ang namatay, pero hindi nila inakala na totoong lindol na pala ang nangyari.


Bukod dito, halos isang linggo din ng maganap ang 8.1 magnitude na lindol na tumama sa southern coast ng bansa na ikinasawi ng 61 tao.

Facebook Comments