Patay sa aksidente sa Hanjin, umakyat na sa dalawa

Nadagdagan pa ang namatay sa naganap na aksidente sa Hanjin Shipyard and Heavy Industries (HHI) nang malaglag mula sa scaffolding na kanilang kinatutungtungan noong araw ng Sabado, Mayo 13.

Nadagdag sa listahan ng nasawing biktima nitong Linggo si Valian Dela Cruz taga Zambales.

Unang nasawi si Ferdinand Leuterio, 38, tubong Leyte habang ang ilan pang biktima na sina Gerry Bayuta tubong Tarlac at Johnny Alegre ng Quezon City ay patuloy na inoobserbahan sa pagamutan.


Matatandaang siyam na manggagawa ang abala sa kanilang trabaho na nakatuntong sa isang platform sa gilid ng ginagawang barko nang matanggal ang turnilyo nito dahilan upang mahulog ang apat na trabahador kabilang ang dalawang nasawi na biktima.

Bilang aksyon nagpalabas ng kautusan ang DOLE para bayaran ang mga biktima kasabay ng paglabas ng work stoppage order laban sa subcontractor ng HHI hanggang hindi ito sumusunod sa occupational safety and health standards.

Facebook Comments