Patay sa COVID-19 sa Navotas, umabot na sa 5

Lima na ang naitatalang patay sa COVID-19 sa Navotas.

Sa inilabas na COVID-19 update ng lungsod, 2 ang naitalang nasawi sa virus sa Barangay San Jose, 2 din sa Barangay NBBS Dagat-Dagatan at 1 sa Barangay Tangos South.

Sa kabuuan ay may 14 na confirmed cases sa lungsod.


Samantala, sa probable cases o iyong mga kaso na hindi pa kumpirmado kung COVID-19 ang sakit, 21 sa 53 probable cases ng lungsod ang nasawi.

25 sa mga probable cases ang admitted ngayon sa mga pagamutan.

Nasa 44 naman ang suspected cases na maiging binabantayan ngayon ng lungsod na kasalukuyang naka-home quarantine.

Facebook Comments