Patay sa giyera sa Marawi City, umakyat na sa mahigit walong daan

Marawi City – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi sa giyera sa lungsod ng Marawi.

Sa datos na ibinigay ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, walong daan at isang katao na ang napapatay sa bakbakan sa marawi simula noong May 23 nang magsimula ang gulo sa lungsod.

Sa bilang na ito, 620 sa mga napatay ay mga teroristang Maute.


45 ay mga sibilyan na pinatay ng mga Maute Terrorist Group.

Habang sa panig ng tropa ng pamahalaan umabot na sa 136 na sundalo at pulis ang nagbuwis ng kanilang buhay dahil sa patuloy na gulo.

Aabot naman sa isang libo pitong raan at dalawampu’t walong sibilyan ang nailigtas ng tropa ng pamahalaan.

675 na mga armas naman ang narerekober ng militar.

Hanggang kahapon naman, siyam na gusali na sa Marawi City ang na-cleared na ng militar.

Sa ngayon nasa isang daan at dalawang araw na ang giyera sa lungsod.

Patuloy pa rin ang sagupaan at clearing operation na ginagawa ng tropa ng militar.

Facebook Comments