Patay sa gumuhong condominium sa Florida, umakyat na sa 79

Umakyat na sa 79 ang nasawi sa gumuhong Champlain Towers South condominium sa Miami, Florida, matapos marekober ang 14 pang mga bangkay.

Ayon kay Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava, nasa 61 indibidwal ang nawawala at pinaniniwalaang patay na.

Aniya, maaaring magbago pa ang nasabing bilang lalo na’t may posibilidad na hindi lahat ng nakatira sa nasabing gusali ay nandoon nang maganap ang insidente noong Hunyo 24.


Patuloy namang inaalam ng mga imbestigador ang sanhi ng pagguho ng condominium at tinitignan kung may kaugnayan ito sa nai-report na structural deficiencies noong 2018.

Facebook Comments