Patay sa landslide sa Buhi, CamSur, nadagdagan pa!

Kinumpirma ng local na pamahalaan ng Buhi, Camarines Sur na ilang mga bangkay ang nadiskubre pa sa Barangay Iraya na pinaniniwalaang kasama sa mga natabunan ng gumuhong lupa.

Maliban sa nasabing mga bangkay, nakapagtala sila ng 22 casualties habang lima pa ang patuloy na pinaghahanap kaya at ipagpapatuloy muli ng mga otoridad ang pagkuha sa natitirang bangkay.

Samantala, napagpasyahan naman na itigil na ang retrieval operations sa Barangay Ipil dahil delikado na rin ang lugar para sa retrieval team.


Unang nagsagawa ng aerial survey ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa lugar para makita ang umano ay mga bitak sa bundok na malapit sa landslide area.

Plano na rin ngayong ilikas ng mga otoridad ang tinatayang aabot sa 1,000 residente na nakatira sa naturang barangay.

Facebook Comments