Patay sa landslide sa Congo, umabot na sa 40

Congo – Umabot sa 40 tao ang patay matapos ang nangyaring landslide sa Democratic Republic of Congo.

Karamihan ng mga nasawi ay mula sa isang lugar ng palaisdaan malapit sa Lake Albert.

Nasawi naman ang ilan pang nagmimina sa may bundok.


Nangyari ang pagguho ng lupa sa isang bundok bunsod ng malakas na ulan.

Batay sa mga ulat, ang malakas na mga pag-ulan ang nagdulot sa pagguho ng isang bundok na malapit sa nasabing lugar.

Nabatid na nagkaroon na ng malaking bilang ng mga landslide sa silangan ng DR Congo noong mga nakaraang taon.

Facebook Comments