Patay sa lindol sa Surigao del Sur, umabot na sa 3 ayon sa NDRRMC

Umakyat na sa tatlong indibidwal ang naiulat na nasawi sa magnitude 7.4 at magnitude 6.8 na lindol sa Surigao del Sur.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa nasawi ang isang indibidwal sa Davao Region, at dalawang indibidwal sa Caraga.

Habang 48 indibidwal ang nasaktan sa malakas na pagyanig.


Nakapagtala rin ang ahensya ng 132,615 pamilya o 528,203 indibidwal na naapektuhan ng lindol mula 311 barangay sa Northern Mindanao, Davao Region, at Caraga.

Samantala, halos ₱4 milyong halaga ng tulong na ang naiabot ng gobyerno sa mga apektadong residente.

Facebook Comments