Patay sa lumubog na bangka sa Davao Oriental, umabot na sa tatlo – PCG

Courtesy: Philippine Coast Guard Facebook page

Sumampa na sa tatlo ang patay habang anim naman ang nawawala pa, matapos lumubog ang isang fishing vessel sa Baganga, Davao Oriental.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), na-retrieve ang isa sa mga bangkay kaninang alas-8:30 ng umaga sa paligid ng pinangyarihan ng insidente.

Tinitingnan din ng PCG ang posibilidad ng oil spill o pagtagas ng langis pero sa ngayon tututukan muna aniya nila ang paghahanap sa iba pang nawawala.


Napag-alamang nasa 23 ang crew na nakasakay sa nasabing bangka na pawang mga Pilipino nang mangyari ang insidente.

Facebook Comments