Patay sa magnitude 6.6 na lindol sa Masbate, umakyat na sa dalawa

89

Umakyat na sa dalawa ang nasawi sa magnitude 6.6 na lindol sa Cataingan, Masbate habang nasa 50 ang sugatan.

Ayon kay Cataingan Mayor Felipe Cabataña, idinagdag nila sa nasawi ang isang residente na inatake sa puso dahil sa lindol habang nauna nang naiulat ang pagkasawi ng isang retiradong pulis matapos mabagsakan ng gumuhong bahagi ng bahay.


Umapela naman si Cabataña ng karagdagang temporary shelters o tents para pansamantalang matulugan ng mga residente.

Aabot aniya sa humigit-kumulang 40 pamilya ang nawalan ng bahay matapos mawasak ng lindol.

Facebook Comments