PATAY SA NAGANAP NA PANANAKSAK DAHIL SA UTANG SA MANGALDAN, UMABOT NA SA DALAWA

Umabot sa dalawa ang namatay sa naganap na pananaksak ng isang lasing na pedicab driver sa bayan ng Mangaldan.
Ito ang kinumpirma mismo sa ifm Dagupan ni Mangaldan PNP Chief of Police Police Lt. Col Benjamin Zarate sa naging panayam sa kanya.
Dead on Arrival ang isa aniya sa pagamutan habang namatay habang ginagamot ang isa pa kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, ang suspek ang may utang sa mag asawang biktima na sinasabing nagigipit umano ito sa paniningil ng mag asawang Agripino at Erlinda Terre.
Nadamay naman ayon kay Hepe ang dalawa pang biktima na nakilalang si Julián Soriano at Jessie Malanum nang tangkain nilang pigilan ang suspek na komprontahin ang mag asawa.
Nanawagan naman si Lt. Col Zarate na kung may ganitong usapin ay pag usapan ng mabuti at ng hindi humantong sa krimen. |ifmnews
Facebook Comments