Patay sa nangyaring 6.9 magnitude na lindol sa Guatamela, umakyat na sa lima

Guatemala – Umakyat na sa lima ang patay sa magnitude 6.9 na lindol ang Guatemala.

Ayon sa National Coordinator for Risk Reduction ng Guatemala – dalawa ang nasawi matapos na matabunan ng tumumbang pader habang tatlo ang inatake sa puso.

Naitala ang epicenter ng lindol sa 156 kms kanluran ng Guatemala City kung saan sinundan pa ng 5.6 magnitude na aftershocks.


Nagdulot ito ng blackout at pagkasira ng mga struktura.

Naramdaman ang pagyanig sa malaking bahagi ng bansa at maging sa katabing bansang Mexico.

Facebook Comments