Manila, Philippines – Isang sibilyan ang namatay, sa ginawang harassment ng New People’s Army o NPA sa 16th Special Forces Company, Brgy. Bitaugan sakop sa lungsod ng San Miguel probinsya sa Surigao del Sur kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang namatay na civilian na si Jennyfer Maca, 25 anyos, may asawa at sinasabing tatlong buwang bunti, na may tama ng bala sa ulo, na pinaniniwalaang galing sa AK47 na armas na siyang ginamit ng mga NPA sa pag-atake.
Sa ulat galling sa 36th IB pa, umaabot di umano sa 15 minutos ang bakbakan sa lugar, laban sa 20 miyembro ng NPA na responsable sa pag-atake sa 16th special forces company detachment .
Ang nasabing harassment ang una nang inamin mismo ng NPA sa pamamagitan ni ka Sandra ang tagapagsalita ng guerrilla front committee-19, sa eksklusibong interview sa RMN DXBC Butuan, aniya na ang ginawang pag-atake ay alinsunod sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na giyera laban sa NPA.
Dahil dito, pahayag ni Ka-Sandra na nakahanda ang NPA na labanan ang gobyerno, lalo na sa implementasyon ng martial law sa Mindanao.