Patay sa one time big time anti-drug operation sa Bulacan, umakyat na sa 26

*Bulacan *- Pumalo na sa 26 ang namatay sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa labingpitong bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Senior Superintendent Romeo Caramat Jr., Provincial Police Director ng Bulacan police, maliban sa mga nasawi, 89 na iba pa ang naaresto sa bisa ng search warrants.

Nakuha mula sa isinagawang operasyon ang 21 mga armas kung saan labingpito rito ay caliber 38, dalawang improvised shotgun, isang 9mm at isang caliber 32.


Mahigit 100 gramo naman ng shabu ang nasabat mula mga sinalakay na mga lugar.

Facebook Comments