Bulacan – Bumuo na ng task ang San Jose Del Monte Bulacan government para magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa sumabog na water tank kung saan ay umakyat sa apat ang nasawi habang 45 ang sugatan kabilang ang nasa kritikal na kalagayan na si Jorjie Nolasco.
Ayon kay SJDM Bulacan Mayor Arthur Bobes, ang huling nasawi ay ang 1 taong gulang na si Niña Luis Ape.
Una rito nagpetisyon ang mga residente ng Barangay Muzon, pitong taon na ang nakalilipas, dahil tinututulan nila ang pagtatayo ng water tank sa kanilang lugar pero itinuloy pa rin ng dating kapitan na si Noli Concepcion ang pagpapatayo ng tangke ng tubig.
Nakiusap naman si barangay captain Mar Gatchalian sa kanyang mga nasasakupan na huwag gumamit ng cellphone o magsindi ng sigarilyo sa tabi ng gasoline station na nag-leak.
Sabi ni Capt. Gatchalian, mabuti na lamang umano ay madaling araw nangyari ang pagsabog dahil kung umaga umano ay maraming masasawi sa naturang insidente dahil parating maraming tao sa lugar.