Patay sa pananalasa ng bagyo sa Zimbabwe at Mozambique – pinangangambahang umabot sa mahigit isang libo

Pinangangambahang ng mga otoridad na umabot sa mahigit 1,000 ang patay sa hagupitin ng bagyong idai sa magkatabing bansa na Mozambique at Zimbabwe.

Ayon kay Zimbabwe Spokesman Nick Mangwana, umakyat na sa 89 ang kumpirmadong patay sa kanilang bansa.

Marami pa rin ang patuloy na pinaghahanap habang milyong residente ang apektado ng bagyo.


Sa ngayon ay itinuring na isa sa mga pinakamalalang cyclone na naitala sa Africa at buong southern hemisphere ang bagyong idai.

Facebook Comments