Patay sa pananalasa ng Bagyong Egay, nadagdagan pa ayon sa NDRRMC

Umakyat na sa 30 ang mga naiulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Egay sa bansa.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, August 7, 2023.

Sa nasabing bilang, 4 ang kumpirmadong nasawi sa bagyo habang 26 ang isinasailalim pa sa berepikasyon ng mga awtoridad.


May 171 ang naiulat na nasaktan at 10 ang nawawala.

Habang umabot na sa 871, 407 pamilya o mahigit 3.2M indibidwal ang naaapektuhan ng bagyo mula 5,073 barangay sa 15 rehiyon.

Facebook Comments