Patay sa pananalasa ng Bagyong Odette, umabot na sa 211 – PNP

Umabot na sa 211 indibidwal ang nasawi dahil sa Bagyong Odette batay sa tala ng Philippine National Police (PNP).

Sa nasabing bilang, 129 ang naitala sa Central Visayas, 41 sa Caraga, 24 sa Western Visayas, 10 sa Northern Mindanao, anim sa Eastern Visayas, at isa sa Zamboanga.

Nakapagtala rin ang PNP ng 239 na sugatan at 52 nawawala dahil sa bagyo.


Habang 71 na lugar ang nananatiling lubog sa baha.

Nasa 3,164 lugar naman ang wala pa ring supply ng kuryente at 1,897 lokalidad ang wala pa ring telecommunication services.

Aabot naman sa 1,013 pasahero ang na-stranded sa mga seaports at airports.

Facebook Comments