Patay sa patuloy na bakbakan sa Marawi City, umakyat na sa halos 300

Manila, Philippines – Umakyat pa sa 286 na katao ang nasawi sa pumutok na gulo sa Marawi City, Lanao Del Sur.

Ito ay batay sa inilabas na data ng 1st infantry division ng Philippine Army.

Ayon kay 1st ID Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera, kabilang sa nasawi ay ang nasa 202panig ng Maute Group at 58 mula sa government forces.


Nanatili naman sa 26 na mga sibilyan ang nasawi habang hindi pa makumpirma ang lima na panibagong pinatay ng mga terorista sa loob mismo ng bahay kung saan ang mga ito ay nagtatago.

Nakumpiska naman ng militar ang nasa 172 na mga high powered firearms na kinabibilangan ng 50 caliber machine guns.

Tiniyak naman ni Herrera na sinisikap nilang mailigtas ang nasa 300 hanggang 500 natrap sa war zones habang 1,628 na ang napalaya mula sa pagkaipit sa kaguluhan.
DZXL558

Facebook Comments