Patay sa sama ng panahon sa Davao Region, lumobo pa sa 8

Screenshot from Davao del Norte PDRRMC Facebook page

Walo na ang kumpirmadong namatay sa probinsiya ng Davao de Oro dahil sa naranasang pagbaha at pagguho ng lupa.

Ayon sa Davao de Oro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, dalawa ang nadagdag sa listahan ng mga namatay mula sa anim kahapon.

Ang isa sa mga nasawi ay mula sa Pantukan at ang 58-years old na lola naman ay natagpuang namatay sa Monkayo.


Patuloy naman ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong residente sa naturang probinsiya.

Samantala, sa ngayon ay lubog pa rin sa baha ang ilang lugar sa Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental at Davao City.

Pero unti-unti na ring humuhupa ang pagbaha sa naturang mga lugar.

Facebook Comments