PATAY | Tatlo, sawi sa magkakahiwalay na engkwentro sa Bulacan

Bulacan – Patay ang tatlong katao sa magkakahiwalay na engkwentro sa lalawigan ng Bulacan.

Unang napatay sa buy-bust operation ng Pandi PNP ang suspek na si Dexter Allan Dela Cruz matapos na makipagbarilan sa mga pulis habang nakatakas naman sakay ng dalawang motorsiklo ang dalawang kasamahan nito.

Nasawi din sa buy-bust operation sa Balagtas, Bulacan ang suspek na si alyas Lito Onse na kilalang supplier ng droga at residente ng Marilao kung saan nakatakas rin ang kasamahan nito na sakay ng isang motorsiklo.


Pumalag din at napatay ng mga pulis ang isa pang tulak ng iligal na droga sa obando nakilala sa layas na Ali.

May kasama rin si alyas Ali nang isagawa ang buy bust operation sa Barangay Paco ngunit nang magka-putukan ay nakatakas ang kasama nito sakay ng isang motorsiklo.

Facebook Comments