PATAY | Tricycle driver, sawi matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila.

Sa ulat, binaril ng suspek na si Charlon Inocencio ang biktimang si King Arthur Villarin matapos niya itong makasalubong sa Moriones Street.

Tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktima habang isinugod naman sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang suspek matapos na mabaril ng mga rumespondeng pulis.


Lumalabas na matagal ng may alitan ang biktima at suspek kung saan muli itong sumiklab ng mag-krus ang kanilang landas.

Facebook Comments