Paternity leave, isinusulong na rin sa kongreso

Manila, Philippines – Matapos maisabatas ang expanded maternity leave law, isinusulong ngayon ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa kongreso na iprayoridad ang panukalang 15-paternity leave sa mga empleyadong ama.

Sa house bill no. 3401 – sa halip na 7-day paid paternity leave, nais ni Pimentel na gawin itong 15 araw para matulungan ng lalaki ang kanyang bagong panganak na asawa.

Katwiran pa ng mambabatas, ilang pag-aaral na ang nagpatunay na ang mga tatay na may ganitong pribelehiyo ay mas magiging involved sa pagpapamilya at magkakaroon ng mas malalim na bonding sa anak.


Sa ibang bansa nga aniya, mas mahaba ang paternity leave at 80 percent ng kanilang regular pay ang ibinibigay na pasahod.

Pero paglilinaw ng mambabatas – pwede lang i-avail ng mga tatay ang paternity leave sa unang apat na anak sa kanyang legal na asawa.

Facebook Comments