Pateros LGU, maniningil ng service fee para sa mas mabilis na pamamahagi ng cash aid

Maniningil ng service fee ang Lokal na Pamahalaan ng Pateros para sa mas mabilis na pamamahagi ng cash aid sa kanilang residente.

Ayon kay Pateros Mayor Ike Ponce, kumuha sila ng payment outfit para ang mga ito na ang magbigay ng pera sa mga benepisyaryo.

Makatutulong aniya ito dahil kulang na sila sa mga tauhan matapos magpositibo ang ilang mga kawani.


Nasa ₱20 ang magiging singil sa mga makakatanggap ng ₱1,000, ₱30 sa tatanggap ng ₱2,000, ₱40 sa ₱3,000 at ₱50 para sa kukuha ng ₱4,000.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Department of Interior and Local Government kung pinapayagan nila ang ganitong sistema sa pamamahagi ng tulong pinansiyal.

Facebook Comments