Patient transport vehicle na kabibigay lang ni PBBM, nawasak sa aksidente patungong Northern Samar

Nawasak ang isang patient transport vehicle (PTV) sa isang aksidente sa Barangay Getigo, Lope de Vega, Northern Samar habang binibiyahe ito patungong Catarman, ilang oras lamang matapos itong i-turn over ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Ormoc City noong Agosto 18.

Madaling araw ng Agosto 19 nang maganap ang insidente.

Minamaneho ang PTV ng isang 41-anyos na lalaki mula sa Catarman, kasama ang isa pang pasahero.

Ayon sa ulat ng pulisya, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber habang tinatahak ang pakurbadang bahagi ng kalsada.

Bigla umanong tumawid ang isang kalabaw at sinabayan pa ito ng makapal na fog sa lugar, dahilan kung bakit nahulog sa gilid ng kalsada at tumagilid ang sasakyan.

Nagkaroon lamang ng minor injuries ang mga sakay ng PTV at kasalukuyang nasa maayos nang kalagayan.

Matatandaang ang nasabing PTV ay kabilang sa 22 sasakyang ibinigay ni Pangulong Marcos para sa mga lugar sa Northern Samar noong Agosto 18 sa Ormoc City.

Mula roon, tinatayang mahigit pitong oras ang biyahe patungong Northern Samar.

Facebook Comments