*Cauayan City, Isabela*- Umakyat na sa 26 ang bilang ng mga naitalang Patient-under-Investigation ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit sa Isabela sa loob lamang ng limang araw.
Ayon kay Provincial Information Officer Elizabeth Binag, naitala ang karagdagang labinlimang (15) PUI sa mga bayan ng Luna, Alicia, Naguilian, San Agustin, San Mateo, Aurora, Roxas, Angadanan, Echague, Tumauini, Cabagan at City of Ilagan.
Dagdag pa ni Binag na kabilang pa rin ang isang (1) taong gulang na batang babae sa mga nakaisolate sa Southern Isabela Medical Center habang ang iba nasa Cagayan Valley Medical Center at Provincial Hospital.
Sa kabila ng umiiral na mga kautusan sa buong probinsya ay hinikayat nito ang publiko na maging alerto at gawin pa rin ang mga paraan para makaiwas sa nasabing sakit.
Tuloy-tuloy din ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa lahat ng terminal ng bus para matiyak ang kaligtasan ng lahat.