PATIKIM | Billy Crawford at Coleen Garcia, naglabas ng mga larawan ng kanilang dreamy engagement shoot sa Thailand

Manila, Philippines – Ilang buwan bago ang summer wedding, naglabas na ng mga larawan mula sa dreamy engagement shoot nila sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Ang mga larawan ay kuha sa white-sand beach ng Koh Samui, na ikalawa sa pinakamalaking isla sa Thailand.

May caption ito na: “The real us is pure love, pure light.”


Wala pa namang inaanunsyong petsa at venue ng kasal sina Billy at Coleen.

Samantala, sa edad na 52, pumanaw na ang British actor na si Simon Shelton Barnes dahil sa hypothermia.

Si Barnes ay nakilala sa kanyang pagganap bilang si Tinky Winky sa hit British children’s TV show na Teletubbies.

Si Tinky Winky ang kulay purple Teletubby na kinaaaliwan sa pagbibitbit ng handbag.

Agad namang bumuhos ang tribute para sa British actor.

Facebook Comments