Manila, Philippines – Nagpaalala ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak.
Ito ay kasunod na rin ng insidenteng nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 makaraang mahulog ang isang limang taong gulang na Malaysian National mula sa isang hagdanan sa departure area.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, dahil sadyang may kakulitan ang mga bata, responsibilidad ng kanilang mga magulang na bantayan ang kanilang mga kilos lalo na sa mga pampublikong lugar.
Kahapon, himalang minor injuries lamang ang tinamo ng 5yrs old na si Muhammad Alif Bin Azizan matapos malaglag sa arrival east concourse bandang 8:22 ng umaga.
Agad namang rumesponde ang medical personnel ng MIAA nang makita ang bata.
Nagtamo ng slight physical injuries ang bata kung saan nagkaroon ito ng hiwa sa bahagi ng kaniyang ibaba at ibabaw na labi, galos sa noo at baba.