PATOK | Food Strip sa Dagupan Dinadagsa!

Kung food trip ang hanap nyong magbabarkada at medyo tight ang budget perfect na puntahan ang patok na food strip ngayon sa Dagupan City na matatagpuan sa kapag nagawi dito sa Dagupan City na dinarayo rin ng foreign at local tourist.

Dito kanya kanyang pakulo ang bawat stall upang makahikayat ng customers. Mayroong nag-aalok ng free drinks, buy one take one, discounted price, at marami pang pakulo. Nagmula sa iba’t ibang dako ng Dagupan at Pangasinan ang mga negosyanteng nakilahok sa taunang food strip sa lungsod bilang karagdagang attraction tuwing kapistahan at kapaskuhan. Patok dito ang mga shawarma, iba’t ibang sizzling, burgers, lomi, goto, street foods, at marami pang iba.

Siniguro naman ng city government na may karampatang permit at may mahigpit sila sa inspeksyon sa mga nagtitinda dito upang masiguro ang kalidad ng mga paninda at kalusugan ng mga mamimili gayundin ang seguridad.


Bukas ang Dagupan City Food Strip pagpatak ng 4:00 pm hanggang 1:00 am at magtatagal hanggang January 10, 2018. Puntahan na ngayong weekend!

Share mo naman ang iyong personal experience sa food at service sa pagpunta dito sa Food Strip ng Dagupan.

Facebook Comments