PATOK | Goggles na panlaban sa diabetes, naimbento sa Australia

Australia – Para sa mga may diabetes pero hirap na hirap umiwas sa pagkain ng mga bawal gaya ng chocolate, extra rice, softdrinks at iba pang sweet, good news…

Patok kasi ngayon sa Australia ang isang goggles na kaya raw pigilan ang pagkakaroon ng type 2 diabetes.

Tinawag itong re-timer – binubuo ng apat na maliliit na ilaw ang frame na layong ma-regulate ang body clock ng isang tao.


Ayon sa mga eksperto, nag-e-emit ng ilaw ang goggles na nagpapataas sa Insulin sensitivity at nagpapababa naman sa blood sugar level ng katawan.

Tinutulungan kasi ng Insulin ang Glucose (carbohydrates na naging sugar) na makarating sa cells para magamit bilang energy.

Gayunpaman, malaking tulong pa rin ang bright light exposure sa umaga kaya kung hindi afford ang goggles, makabubuting i-expose na lang ang sarili sa morning sunlight at pinakamahalaga, magkaroon ng disiplina sa pagkain.

Facebook Comments