PATOK NA BULAKLAK NGAYONG UNDAS SA CALASIAO, ALAMIN

Tuwing undas, dagsa ang mga pamilyang Pilipino sa mga sementeryo at musoleo upang mag-alay ng dasal at pabitbit na handog sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Kaya naman bulto rin ang makikitang alay sa mga nitso tulad ng pagkain, kandila, at mga bulaklak.

Sa bayan ng Calasiao, nagsimula na ang bentahan ng iba’t ibang uri ng bulaklak gaya ng orchids, roses, malaysian mum at anthurium.

Iba’t ibang disenyo at laki ng mga floral arrangement ang kasalukuyang naka-display na ngunit pinakapopular pa rin umano ang rados na mabibili sa halagang ₱150.

Ayon sa ilang tindero, tumaas ang presyo ng mga bulaklak ngayong taon dahil karamihan sa mga ito ay inaangkat pa mula sa Dangwa.

Sa kabila ng pagtaas ng presyo bukas sila 24 oras hanggang November 2, sa pag-asang mauubos ang kanilang benta dahil sa magiging dagsa ng mga mamimili na nagnanais maghandog ng bulaklak bilang simbolo ng mahalimuyak na pagmamahal at pag-alala sa mga mahal sa buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments