PATONG PATONG! | 6 kasong frustrated murder, isasampa laban sa lalaking nang-hostage sa Sta. Mesa, Maynila

Manila, Philippines – Anim na bilang ng kasong frustrated murder ang isasampa laban sa lalaking nag-hostage ng bata sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Dominador Abrillo, 38-anyos na tubong Tacloban, Leyte.

Tumagal nang mahigit isang oras ang hostage taking bago nakumbinsi ang suspek na pakawalan ang biktima.


Kwento ni Abrillo – pasakay na siya ng tren ng PNR pero pakiramdam niya ay may umaaligid sa kanya kaya naisipan niyang bumalik sa gwardiya at doon na siya nanghamblot ng baril.

Ilang ulit niyang pinaputok ang baril kung saan anim ang nasugatan.

Bago ang insidente, dalawang linggo na raw siyang sinusundan ng naka-motorsiklo pero hindi siya sigurado kung may kinalaman ito sa nangyaring sagutan nila ng lalaki ng kanyang kinakasama.

Samantala, matagumpay namang nailigtas ng mga otoridad ang biktima.

Facebook Comments