Manila, Philippines – Pinakakasuhan na sa korte ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang respondents na umaming kasabwat sa pagdukot sa isang lalaki mula sa Candelaria, Quezon.
Nangyari ang pagdukot ng walong armadong mga lalaki sa biktimang si Ronaldo Arguelles noong April 9, 2018
partikular na pinakakasuhan ng DOJ ng kidnapping for ransom with homicide, frustrated multiple homicide, robbery at carnapping ang dalawang nadakip na kasabwat sa pagdukot na sina Glenn Taningco at Lalaine Barrios
Ang pulis naman na kasabwat sa pagdukot na si SPO2 Leo Pamonag ay sasailalim pa sa preliminary investigation
Ang iba pang respondents na sina Ricky Barrios, Camille Lesegues Bubudilla, Ricardo Arguelles at Joshua Magbanua ay sasailalim naman sa regular prelimnary investigation.