Patong-patong na kaso, kahaharapin ng isang barangay kagawad dahil sa pagbabanta sa mga construction worker sa Quiapo

Quiapo, Maynila – Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang barangay kagawad dahil sa pagbabanta sa mga construction worker sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang inirereklamo na si Rowell Peno, kagawad sa barangay 386.

Sumbong ng trabahador na si Manuel Tabasa, alas onse kaninang umaga habang tinitibag nila ang firewall sa loteng pag-aari ng isang Angelita Aquino, bigla silang pinagbantaan ni Peno na hahagisan ng granada.


Todo-tanggi naman sa paratang ang barangay kagawad.

Kabilang sa mga kasong isinampa kay Peno ay grave threat, grave coercion at trespassing.

 

Facebook Comments