Patong-patong na kaso laban sa 3 suspek na nasa likod ng pamamaslang sa mamamahayag na si Jumalon, isasailalim na sa preliminary investigation

Isasalang sa preliminary investigation ang mga hindi pinangalanang suspek na natukoy na nasa likod ng pamamaslang kay Misamis Occidental radio anchor Juan Jumalon alyas Johnny Walker.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Public Information Officer (PIO) Chief PCol. Jean Fajardo matapos na pumasa sa case build up stage at evaluation ng Misamis Occidental prosecutor’s office ang mga kasong theft at murder na isinampa laban sa mga ito.

Ayon kay Fajardo, agad padadalhan ng summon ang tatlong suspek para pagpaliwanagin ukol sa mga kasong kanilang kinakaharap.


Samantala, sinabi pa ni Fajardo na ang naaresto na isa sa tatlong suspek ay dawit din sa pamamaril sa isang municipal engineer sa naturang lalawigan.

Una nang sinabi ng PNP na lumabas sa kanilang isinagawang ballistic examination na iisa lamang ang baril na ginamit sa pananambang sa engineer ng munisipyo at sa pagpatay sa mamamahayag.

Facebook Comments