Pinuna ng ilang senador sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang umano’y patong-patong na kita ng mga kumpanyang nagpapasahan ng face mask bago ito maibenta sa gobyerno.
Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon sa budget utilization ng Department of Health (DOH) na bumili ang Pharmally Pharmaceutical Corporation sa kumpanyang TigerPhil Marketing Corporation ng mga face mask.
Ibinenta ang mga ito ng Pharmally sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) sa halagang P27.
Ayon kay Senator Richard Gordon, hindi nakadeklara ang bentahan sa latest audited financial report ng TigerPhil.
Sa ngayon, pinasisilip na ni Senator Gordon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung tama ang binayarang buwis ng kumpanyang TigerPhil.