Patricia Bautista, hindi pwedeng tumestigo laban sa asawang si COMELEC Chairman Andy Bautista

Manila, Philippines – Hindi pwedeng tumestigo si Patricia Bautista laban sa asawa nitong si COMELEC Chairman Andres Bautista matapos na hainan kahapon ng impeachment complaint ang COMELEC Chairman sa Mababang Kapulungan.

Paliwanag ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, hindi uubra kung sakaling ang ihaharap na testigo kay Bautista ay ang asawa nitong si Tish dahil may umiiral na marital o spousal privilege.

Sa ilalim ng marital o spousal privilege ay hindi maaaring tumestigo laban sa mister ang kanyang misis o vice versa.


Dapat din na may personal knowledge ang mga complainant na sina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras upang makatayo ang nasabing reklamo.

Pero sa ngayon ay ayaw munang pangunahan ng kongresista ang kahihinatnan ng impeachment complaint.

Pagaaralan muna ni Fariñas ang impeachment complaint at matapos ang budget hearing ay target na masimulan ang pagtalakay sa naturang reklamo.

Sakali namang makita na may sense of urgency ang impeachment complaint ay agad na irerefer ito ni Fariñas sa justice committee.

Facebook Comments