Patrick Meneses, nagpaabot ng mensahe sa kasal ng ex na si Ara Mina

Hinangaan ng netizens ang mensahe at pagdalo ni Patrick Meneses sa kasal ng kanyang dating nobya na si Ara Mina.

Sa post ni Patrick sa Instagram, makikita rito ang larawan niya kasama ang ex-girlfriend na si Ara at mister nitong si Dave Almarinez pagkatapos ng kanilang wedding ceremony.

Ayon kay Meneses, honored siyang makadalo sa kasal ng dating nobya, hindi man pinalad ang kanilang love story ay masaya ito na nahanap na nito ang happily ever after.


Nagpakasal si Ara at Dave nitong Huwebes sa Alphaland Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.

Facebook Comments