Patrol Base ng Cafgu sa Gagabutan Rizal Cagayan, Nilusob at Pinagbabaril ng NPA!

Rizal, Cagayan – Pinagbabaril ng grupong NPA kagabi, February 28 ang patrol base ng Cafgu Active Auxilliary na nasa Bravo Company ng 77IB sa Gagabutan,Rizal, Cagayan.

Batay sa impormasyong ipinarating sa RMN News Team ni Captain Jefferson Somera, Division Public Affairs Officer ng 5th Infantry Division Philippine Army, tinarget umano ng grupong NPA ang social hall ng cafgu patrol base na kaagad namang nakapagresponde ang mga opisyal at tauhan ng 17 IB ng Rizal, Cagayan.

Naniniwala ang militar na ang ginawa ng Communist NPA Terrorist o CNT ay isang pagpaparamdam lamang dahil sa alam umano nila na nasasaktan na ang panig ng NPA dahil sa presensya ng 17IB at ang unti-unting pagpanig ng mga masa sa kasundaluhan mula sa barangay ng Masin at Gagabutan, Rizal.


Matatandaan na kamakailan lamang ay maraming sumuko sa 17IB at kapulisan na militia ng bayan at taga suporta ng CNT na mula sa Masin, Rizal.

Dahil dito ang pagsuko umano ng mga militia at taga suporta ng CNT ay isang malaking kawalan sa nasabing grupo.

Kinumpirma naman ni Captain Somera na walang tinamaan o naging biktima ng pamamaril sa patrol base ng CAA at kasalukuyan pang inaalam kung anong kalibre ng baril ang ginamit.

Samantala nakikipag-ugnayan na ang 77IB sa PNP Rizal, Cagayan sa mga opisyal ng barangay para sa maaring pagkakakilanlan ng mga lumusob at bumaril na CNT.

tags; Luzon, RMN News Cauayan, DWKD 985 Cauayan City, Captain Jefferson Somera, 5th ID PA


Facebook Comments