PATRONAL FIESTA NG OUR LADY OF THE PILLAR PARISH CHURCH CAUAYAN CITY, MAGSISIMULA NGAYONG ARAW

Cauayan City – Magsisimula na ngayong araw ang selebrasyon ng ika-283 na Patronal Fiesta ng Our Lady of the Pillar Parish Church Cauayan City.

Ang Patronal Fiesta ngayong taon ay may temang “Sama-samang Paglalakbay Kasama ang Ina ng Haligi: Pagyakap, Pagkakaisa, at Pagmimisyon”.

Bilang pagsalubong, magkakaroon ng Medical, Dental Mission at Blood Letting Activity na magaganap sa Parish Patronal Center na magsisimula mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.


Maliban dito, iba’t-ibang aktibidad pa ang nakatakdang maganap katulad na lamang ng outreach programs sa piling mga barangay sa lungsod, Fun Run, Job Fair, Sports, Novena Mass at marami pang iba.

Samantala, magtatagal naman ang selebrasyon ng kapistahan mula ngayong araw hanggang ika-12 ng Oktubre.

Facebook Comments