“Pattern of impunity”, nakikita ng DOJ sa nangyayari sa Negros Oriental

May nakikita ang Department of Justice (DOJ) na pattern of impunity sa Negros Oriental.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, matapos ang pagpatay kay Gov. Roel Degamo ay nagkakaroon na ng linaw ang mga anggulo na may pattern of impunity sa lalawigan.

Aniya, nabubuhay sa takot ang mga tao at nais nila ng kapayapaan.


Bunga nito, sinabi ni Remulla na iimbestigahan din nila ang mga nakaraang kaso ng patayan sa Negros Oriental.

Sinabi ni Remulla na ang kaso ng murder ni Degamo at ng walong sibilyan ay hindi lamang ang krimen na nangyari doon.

Tinukoy rin ng kalihim ang reklamong multiple murder na inihain ni Atty. Levito Baligod kaugnay sa 2019 killings kung saan si Congressman Arnolfo Teves Jr., ang pangunahing respondent.

Sinabi ni Remulla na mas marami pang kaso ng murder ang isasampa sa DOJ sa mga susunod na araw.

Facebook Comments