PATUBIG NG MGA MAGSASAKA SA EASTERN PANGASINAN, APELA NA MARESOLBA BAGO ANG ANIHAN

Apela ng mambabatas sa ika-anim na distrito ng Pangasinan ang agarang solusyon sa isyu ng patubig sa mga magsasaka na nasa kalagitnaan pagpapatubo bago ang anihan nitong Pebrero hanggang Marso.

Sa naging pagdinig kasama ang Department of Agriculture, binigyang-diin ang pangunahing layunin ng pagpapatayo ng San Roque Dam para sa agrikultura, kasunod umano ng hindi paglalabas ng tubig para sa mga irigasyon dahil inuuna ang power generation.

Tugon naman ng departamento ang insurance para sa mga magsasaka sa naturang suliranin, solusyon na hindi naging sapat para sa mambabatas dahil kulang din umano ang coverage ng insurance na nasa isa hanggang dalawang porsyento lamang.

Gayunpaman, nakatakda muling talakayin ang isyu sa susunod na pagdinig upang agad matugunan ang pangangailangan ng mga naghihirap na magsasaka habang umuugong ang diskusyon.

Facebook Comments