Tiniyak ng Department of Agrarian Reform na may matatag na mapagkukunan ng tubig ang nasa 429 ektaryang lupain ng mga Agrarian Reform Beneficiaries sa Asingan dahil sa isinaayos na Sinapog Communal Irrigation System.
Madalas problemahin noon ng mga magsasaka ang pagtagas ng tubig mula sa irigasyon dahil gawa lamang ito sa lupa dahilan ng rehabilitasyon nito sa pagiging sementado.
Nasa walumpong ARBs mula sa iba’t-ibang barangay ang makikinabang sa naturang proyekto.
Umaasa naman ang tanggapan na makakatulong sa pagpapataas ng ani ng mga magsasaka ang bagong irrigation system sa Asingan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments