PATULOY | Mga pulis, demolition team at mga informal settlers, nakikipag dayalogo pa kaugnay sa isasagawang demolisyon

Manila, Philippines – Patuloy ang ginagawang pag uusap ng mga pulis, demolition team at mga informal settlers kung itutuloy ba ang isasagawang demolisyon o magkakaroon na lamang ng self demolition ang mga residente ng Legaspi Street Intramuros Manila.

Lumusob na ang demolition Team habang nakikipag usap ang kanilang lider para pakiusapan ang mga residente na lisanin na nila ang lugar dahil mayroon namang Court Order upang umalis ang mga Informal Settlers na umaabot sa mahigit 100 kabahayan o katumbas 200 pamilya.

Naka alerto naman ang mga miyerbro ng MPD SWAT Team na anumang mang oras ay maaari na nilang protektahan ang mga demolisyon Team na bitbit ang lagareng bakal,martilyo, maso, at kabra.


Handa naman anila ang mga Informal Settlers na armado ng mga bote,bato,tubo,dumi ng tao at pamalong kahoy na ipagtanggol ang kanilang karapatan kung saan hindi sila aalis anuman ang mangyayari sa kanilang buhay dahil iniharang na nila ang mga pedicab at basketbal ring sa kalye upang hindi makadaan ang mga demolition team sa lugar.

Facebook Comments